Muntik ko na sabihin
Pero ayoko kasi masawi ang puso kong umaasang mapapansin mo :'(
Pero ayoko kasi masawi ang puso kong umaasang mapapansin mo :'(
pero ito na siguro ang araw na talagang naging malapit tayo, este yung tipong mas nakausap at nakasama pala. Hindi yung as in naging mas malapit, dahil lalo lang nakita na talagang hanggang pagkakaibigan lang itong sa atin.
Kelangan ko ng panahon para matanggap yan.
Undo undo undo, umpisahan ko ulit ang kwento pero hindi ko buburahin ang mga naisulat ko na para pwedeng ikumpara. HIndi ako ganyan magsulat e.
----
Nang ayain mo akong bumili ng pancit canton sa labas, doon nagsimula nang naisip kong iba ang araw na ito sa lahat ng mga araw. Hindi ko alam ang mga napag-usapan pero buti na lang at ayaw nilang dumaan sa 7-11? Hmmm, ngayo'y naisip ko naman na bakit pala hindi ka na lang nila sinamahan.
Pero yun nga, buti na lang.
Ayaw mong tinatrato ka ng espesyal sa mga simpleng bagay. Di gustong pinagbubuksan ng pinto, o pinapauna sa elevator. Oo na, friends lang talaga nga di ba? Pero talagang hindi ko yata kaya.
Problema lang nga ata ang dinadala ng damdaming kong ito.
Pero masaya naman ako ah :D
----
Hanlabo pa rin ng pagsusulat ko, lols. Hinde ako yan :P
Kanina ko pa tinitignan ang mga salitang iyan dito sa taas nitong editor. Anu nga ba ang isusulat ko... Nandito ako, mag-isa sa aking kwarto. Feeling ko nga ang yaman ko kasi yung sa kabilang kwarto e apat sila pero dito e wala pa akong kasama. Solo.
Next month pa ata madaragdagan ng isa.
Anung oras na pala. Maaga pa ang gising ko bukas para magluto, magsaing at mag-urong. Buhay mag-isa nga naman o. Pero ok na rin sigurong experience 'to di ba?
Create a post. Isulat ang pwedeng isulat. Sabihin ang nais sabihin. Pero bakit wala naman ako maisip. LOLs, yoko naman atang magdrama na naman.
May ineexplain sa akin ang isang kateam ko kanina sa may cube ko nang bigla kang dumating. Ayan, sige, isang kwento na lang. Hindi ko alam kung paano kita nakita e kitang dapat e sa PC ako nakatingin di ba? Siguro hindi ko lang namalayan na inaantay talaga kitang dumating.
Natuwa nga pala ako at nagtext ka kanina.
Napatingin pa tuloy yung kateam ko na nag-eexplain sa akin dahil binati kita sa pagtaas ng aking mga kilay. Walang salita, pero nakatingin naman ako sa iyong mga mata. Nawala yata tuloy sa isip ko ang lahat ng sinabi ng kateam kong may tinuturo ata.
Masaya.
Mas nakausap ata kita ngayon kesa kahapon, pero talagang busy na ikaw ata kaya sabi mo nga, hindi na tayo nakapagkwentuhan.
Hmmm, wala na ata akong ibang masabi. Nawala na sa align ata ang kwento ko, siguro kasi ay nagtatalo ang isip ko ngayon kung ano ba talaga ang gagawin nito, kung magsusulat ako tungkol sa iyo, o ang iisipin na lang kita.
Kasi naman e mula pa kanina'y laman ka na ng isip ko.
Publish na nga, tsk.